Sunday, December 28, 2008

Juvy is Not Here

She's in WORDPRESS.

Tuesday, April 12, 2005

kaleidoscope

kaleidoscope
isang malaking pagkukunwari
isang malaking pagkakamali
isang malaking pangarap
mahirap abutin

kaleidoscope
wag kang sisilip ni titingin
isang malaking kalokohan
isang malaking panlilinlang
mapagkunwaring sarili

kaleidoscope
isang malaking tabing
pantakip sa katotohanang
masakit, masaklap, mapait
sa kabila ng lahat

kaleidoscope
sana'y makita mo
na nais ka lamang pasayahin
ng mga imaheng tumatabing
sa masaklap na katotohanan

kaleidoscope
hanggang tingin na lamang
di na maaaring lumagpas
di na maaaring lumabis
isang malabong tabing

Sunday, April 10, 2005

puntod

malabong hukay.. ang aking binungkal
mababaw pa lamang alam ko na
walang patutunguhan ang lalim
na nais kong abutin

patuloy sa paglalim
akin nang natanto
ang direksyon na patutunguhan ko
palayo ngunit palapit sayo

ako'y napagod at huminto
aking nakita malalim na pala
palubog na ang araw
maaring di na muling sumikat pa

kasabay ng malalim na hukay
lumalim na rin ang gabi
nilamon na ng dilim
ang mga nakaraang aking tinabunan

gaya ng punong lipas
nalimutan na niya ang puntod
ng aming mga nakaraang makulay
mapait at masaklap

ayoko nang balikan ang libingan
ng mga namatay kong pangarap
ngunit gusto ko itong hukayin
at muling buhayin

isang pangarap na imposible
at napakalayong matupad
dahil ika'y binuhay na
ng ibang ugat na dinadaluyan mo....




----------------------------------------------------

Wednesday, March 09, 2005

----kabaliwan----

Lito.... tuliro.... gulo ang pag-iisip..
puso.. damdamin.. halo-halong kaisipan..
wala nang puwang para sa kalinawan..
bakit?
bakit kailangang magdalawang-isip ng pusong
nung una'y siguradong-sigurado na sa kanyang nais gawin?
lilipas ba ang panahong
patuloy akong nag-iisip kung ano?..
sino?... paano?... bakit?...
lito.. tuliro.. muli ay nagugulumihanan ako..
nagtatanong kung bakit... bakit nga ba?
bakit muling nagbalik ang kahapong
pilit pinagtatakpan ng kasalukuyan?..
nasaan na ang takip na bumabalot
sa butas na akin nang sinarhan?
sino ang nagbukas?
sino ang nangahas na magbukas ng pinto
na sadyang ikinandado
upang wag nang bumalik
ang nakaraang lumabas mula rito?
(hindi nangahas ngunit iyong pinagbuksan)
ako ba'y gumagawa ng aking sariling pinto?
nais ko nang magkulong sa lungga
kung saan wala akong kasama
walang kalinga ngunit mayroong sumpungan
dama ko ang kapanatagan sa pag-iisa
wala ang pagkalito.. pagkatuliro... pagkagulo..
(hindi mo yan madarama kung di mo sinilip ang mahinang pagtapik sa pinto)
bakit ko ba pinansin ang mahinang pagkatok
habang ika'y marahang bumubulong sa akin?
bakit ba ako naglagay ng siwang sa pinto
habang pilit mo itong ipinipinid?
(dahil ika'y lito.. tuliro.. gulo)
lito..? tuliro..? gulo?
noong bago siya lumabas ay nadama ko na iyan...
nadama ko na..
at di ko na nais na muli pang madama..
ngunit.. muli.. bakit ka nagbalik?
(dahil ako'y iyong hinintay)
binuksan ko ang pinto ngunit hindi ka pumasok..
bakit hinayaan mong maunahan ka ng iba?
(dahil hinarangan niya ang siwang na bingay mo para sakin)
humarang siya sapagkat ayaw mo itong kunin...
akin siyang pinatuloy sapagkat siya'y malakas na kumatok..
hindi lamang mahinang pagtapik ang aking narinig
kundi ang malakas na pagkalabog ng pinto..
sa pagbukas ko ng pinto ay patuloy ang pagtigis ng luha
dahil sa sakit.. ligaya.. at pagdurusa...
at dahil lito.. tuliro.. at gulo pa rin..
ayaw kong isara ang pinto..
ngunit ayoko ding lumabas..
natatakot ako..
natatakot na matagpuang sa king muling pagsilip...
ika'y humahakbang nang palayo...
palayo sa pinto..
na aking binuksan... nilagyan ng siwang...
sa kabila ng lito.. tuliro at gulong puso...
palayo sa akin...
palayo nang tuluyan..
patungo sa kanya...
habang ako'y patuloy.. habang buhay...
lito.. tuliro.. gulo....

Wednesday, February 02, 2005

isang problema

ako ay isang batang nabubuhay sa isang pangarap.. na sumulat at ipahayag sa lahat ang nais kong iparating...hindi ko alam kung ano ang problema ko ngunit iniisip ko meron akong problema...alam niyo.. madalas iniisip ko... para saan ba lahat ng mga isinusulat ko... maraming bagay na akong naisulat.. tungkol sa yo.. sa kanya.. sa kanila... at sa akin...madaming bagay akong sinabi... ibinahagi... at pilit na pinaintindi ngunit tila hindi mo maarok ang nais kong sabihin... ako'y isang batang nangangarap na abutin ka.. sapagkat sa ngayon.. ikaw ang pinakamataas na bituing hindi ko maabot... hindi ko maintindihan kung bakit nang bumaba ka na hindi mo ako nakita at iba ang nilapitan mo.. samantalang buong buhay ko ay nakatiingala ako sayo... oo... inaamin ko... mahal nga kita... noon pa mang ikaw ay nasa kalawakan pa lamang... na sa tingin ko lamang natatanaw... hindi ko mahawakan.. ni malapitan... hindi mo nakita ang paghihirap ko sa paghihintay... sa iyong pagdating.....oo.. noon sinabi mo sa akin na sa iyong pagdating ay hahanapin mo ko.. ngunit bat hindi ako ang iyong natagpuan?.. nasan ka na ngayon?...
bakit nandyan ka sa mundo niya gayong binuo ko ang mundo ko para lamang sayo....
para lang sayo....
nagbabago ang mga bagay....
lumilipas ang panahon...
maraming binabagong bagay ang paglipas ng panahon...
at sa bawat pagbabago..
mayroong naiiwan..

Monday, January 31, 2005

-----from my idiotic point of view------

pano mo malalaman.. kung ang taong mahal mo may mahal nang iba..? kapag ba malayo ang tingin niya pag kinakausap mo siya? o kapag lagi na lang "siya" ang kasama niya?.. bakit ba ganun?.. ang daming tao ang nagsasabing mahal nila ang isang tao, pero meron din namang ibang tao na kapantay ng halaga nito sa kanya.. kailangan ba talagang maging napakasaklap ng buhay sa mundo.. na kapag nagmahal ka.. kailangan ding masaktan ka..parang pag nahulog ka na... maiisip mo na lang. wala na palang sasalo sayo.. ang saklap noh.. teka di pa nagtatapos yan jan.. etoh pa mahirap.. pag naranasan ng tao ang umibig.. balewala na ang lahat sa kanya.. kahit ang sarili niya.. isang malaking katangahan na alam ng lahat ngunit patuloy pa ring ginagawa sa pag-aakala nilang makabubuo sila ng isang storya na may "happy ending" sa mga mundong binuo nila sa mga isipan nilang walang muwang na ang hinaharap nila ay isang banging puro patalim ang kababagsakan...ngayon.. pano mo malalaman na may mahal na siyang iba... tinanong mo na ba?.. sinagot ka ba niya?.. sa palagay mo?...

mahirap malaman lalo na pag pinipilit mong isipin na MAHAL ka pa rin niya.. at hinding-hindi siya magmamahal ng iba gaya ng pangako niya sayo..dahil kahit gaano mo gustong malaman kung ano na ba talaga... pilit mo pa ring papapaniwalain ang sarili mo sa isang bagay na maaaring ngayon......
wala ng katotohanan.....

mahirap malaman... dahil minsan.. kahit sinasabi niyang mahal ka niya.. hindi mo namamalayan.. napapamahal na pala siya sa iba.....



--i'm talking about the ironies of life... life has it's own way of teaching people... everyone is part of the class.....--

Wednesday, January 05, 2005

bagong buhay...

isang panibagong pagharap...
pagharap sa bagong buhay...
buhay na malabo ang direksyon
direksyon patungo sa di ko malamang dahilan
dahilan ng aking buhay upang magpatuloy
magpatuloy sa bagong simulaing di ko matapos
matapos man ay kulang..
kulang... na naghahanap ng pantakip
pantakip sa mga sugat na ayaw maghilom........